| | Matapos ang mahabang panahon, andito nanaman ako ngayon at napagdesisyunan na simulan ulit magsulat dito sa tinatawag ng karamihan na blog. Matagal-tagal ko na rin hindi binibigyan pansin ito, ngunit, dahil sa inspirasyon idinulot ng aking batugang kaibigan na si jon doromal, ako ay nagpasyang simulan ulit ang pag dodokumentaryo ng aking mga gawain, idelohiya at mga pananaw sa kung ano anong bagay. Wala akong intensyon makasakit o maka sagasa ng sino mang tao, at lahat ng aking mga opinyon dito ay sarili ko lamang pananaw. Kayo ay inaanyayahan kong kumontra at magsalita at pasinungalin ang kung ano mang bagay na hindi nyo sinasang-ayunan na maisusulat ko. Mahilig ako sa mga talastasan intelektwal. Ngayon, siguro marapat lang na opisyal ko ng simulan ang pagsusulat muli dito sa naturang blog na ito. Sa mga babasa, pasensya na at salamat na din at dito nyo minarapat na mag sayang ng ilang minuto ng buhay nyo. Magandang hapon. |
| | Posted 3/8/2007 2:45 PM - 39 Views - 4 eProps - 2 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |